
When it rains, it pours. For penniless and jobless Leann Alcobar, that must be true. Just when she thought her financial problems are over by winning the lottery, bad luck comes a-knockin’ at her door with a vengeange. Nawala ang ticket niya!
Ang taong pinaghihinalaan  niyang nakakuha ng ticket niya ay ang bigtime businessman na si Ivan De  Gracia III. Ang prublema, mahirap lapitan ang gwapong negosyante.  Desidido si Leann na maging milyonarya kaya by hook or by crook, kukunin  niya mula sa binata ang kanyang ticket! Pero sa kabubuntot niya kay  Ivan, nadisgrasya ang bestfriend niya. Gusto na yatang magpakamatay ni  Leann sa sama ng loob.
Mabuti na lang at meron  siyang fairy godmother sa katauhan ng kapatid na babae ni Ivan. Ipinasok  siya nito ng trabaho--bilang sekretarya ni Ivan! Ayos, medyo sinuswerte  na nga yata siya sa wakas!
Oops, mali! Sa unang araw ng pamamasukan niya bilang sekretarya ni Ivan, nakidnap silang dalawa!
Patay, wala siyang pang-ransom!
Pero ultimate malas nga ba ‘yun kay Leann o sa wakas ay tumama siya ng triple jackpot? Dahil sa panganib na kinasangkutan nila ni Ivan, bigla siyang nagkaroon ng knight in a shining armor.